Saturday, June 9, 2007

Halo-halong kwentong panimula

Magtanong kayo sakin ng malaman ko kung anong gusto nyong mabasa. Minsan naiisip ko totoo ba lahat ang nasa blog? O gawa gawa para makaentertain? Ikaw sumagot nyan ako nga nagtanong eh.

Siguro kung ang ilalagay ko sa blog ko ang nasa Diary ko na take note grade 3 pa ko ngsimula meaning mga 11 years ago na yun, maiiyak ang magbabasa sa haba ng kawalang kwentang sulat ko na maging pangungupit ko ng 25 centavos ay sinulat ko doon dahil wala akong mailagay. Oo nangupit ako ng 25 cents sa kalaro ko malaking halaga pa ito may nabibili itong bubble gum yung bilog bilog.

Hindi ako magaling na manunulat...Obvious ba? Madalas na namumula ang formal theme ko nun sa dami ng mali na sa sampung sinulat ko biruin mong may nakita silang labing isang mali. Aba hindi na tama yun, pinag-iinitan na nila ako. Anyway ganun talaga ang buhay kapag bulok kang magsulat, anjan yung makikita mo ang mga gawa ng mga kaklase mo na mapapalagay sa school paper na sa katotohanan naman ay walang katuturan. Pero mabenta sa mga guro...sa mga estudyante? Awan kadalasang nagiging panghampas lang nila sa kapwa magaaral ang mga school paper na ito, maganda ding kolektahin at ipakilo. "Basura nila Pera ko!"

Bakit black...dark, mysterious, grimmy,at kung anu-ano pang ka diliman na salita na hindi ko alam. Napansin ko lang mahilig lang ako sa black para kunwari maputi ako. Pero dito sa blog para mapadama ko ang aking kalungkutan at paghihinagpis....etcetera etcetera etcetera. Bulok din akong magdrama wala yata talaga akong gift of creativity kaya pagpasyensyahan niyo ang kabulukan ko.

No comments: